happy with him 27…

Posted on May 9, 2009 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

ahmmmm..i’ve met a guy sa isang inuman ng mga barkada ko!! after bumili ng friend ko na lalaki ng alak namnin may kasama siyang dumating, and nag wonder ako kung taga san ba sya or pano sya na invite ng friend ko!! then pinakilala sya sakin ng friend ko at nagkataon na magkakilala pala sila ng crush ko!! after a while, nawalan na ako ng gana uminom kaya ayoko na sanang tumagay kaso hindi ako pinayagan ng mga tropa ko, sabi nila sakin “ayaw moh lang uminom kc wala yung crush moh”…then yun pinatawag nila at tntx nila sa cp yung crush ko, mayamaya dumating na yung crush ko!! hindi lang pala cla magkakilala nung guy kundi closefriend nya pah!! knowing lahat ng barkada na gusto ko talaga yung crush kong yun…una, hindi ako pinapansin, pinansin nya man ako na hi lang siguro, then starts nanaman ang ikot ng baso.. na napapansin na pala nung guy na kanina pa ako nakatingin sa crush ko, hanggang parang sya na yung pumipilit sa crush ko na pansin naman ako at mag effort dahil kung hindi sakin hindi naman sya maiinvite dun sa inuman na yun..natapos naman yun ng maayos na hindi ko alam na crush na pala ako ng guy at may balak pala syang ligawan ako.. dumaan yung mga gabi na lagi ko syang nakikita sa tambayan nya na laging mag isa or may kasama syang friend minsan..start na pala yun ng mga hakbang nya para maka diskarte sakin!! lagi na akong natutuwa sakanya at walang tym na tuwing umuuwi kami na hindi nya ako binabati..hanggang napaparamdam na sya ng mga senyales na gusto nya nga ako.. nung una dedma lang ako hanggang sabihin nya na talaga yung totoong dahilan na gusto nya nga  ako..nung una sinabi ko sakanya na mas better kung friends nalang tayo, kaso nakita ko sakanya na hindi sya sumuko para mapasagot nya ako..tapoz march 27 may celebrate na naganap sa hauz na tinutuluyan ko, then isang magic ang naganap, hayun ako at napasagot!!hahaha nakakatawa nga eh!! sa sobrang kalasingan ko may history talaga akong nagagawa…hehehe..eh di naging kame, nung una balak ko talaga sakanya its a game lang.. kasama sya sa mga players na mga boys ko, pero pinakita nya sakin na he’s different kaya ayun, naging legal sa tropa na dati pagnagkikita kami kailangan kong magtago, pero ngayon tanggap na sya sa tropa pero hindi lahat ng tropa may against parin sakanya pero ok lang.. it’s their opinion..basta masaya ako sa kanya until now…”im happy with him”..

oh pano, sa susunod nalang ulit!! see yah!!!




[happy with him]

jhacel….

Bookmark and Share

Dito Lang ako lagi sa tabi mo…

Posted on March 31, 2009 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

Plain White Ts - Hey There Delilah

nsabi nyo naba yang linyang yan sa ibang tao ng  hindi nag iisip….ako? oo nasabi ko na yan….nung isang lingo lng…nasabi ko na yan ng hindi nanaman nag iisaip.pero nasabi ko yang ng d nag iisip kasi desidido ako na maging laging nasa tabi nya kahit anung manyari…tama. kahit anong manyari…kahit na mag karoon cya ng iba…kahit kung kanikanino cya magpunta tapos pag wla na cyang mapuntahan balik lng cya sakin at tatangapin ko cya ng buong buo..na parang wlang nanyari..na parang d cya umalis…cguro  marami nang nakakabasa nito ang nag tatanung kung cra ba ulo ko o, kung sadista ba ako..ewan ko…cguro nga…tanung nga ng mga pare koolz ko kung ano nanaman ang bulok na gulay ang nakain ko…sabi ko lng sa kanila…sawa na akong makipag habulan sa mga gusto ko…sa mga gusto kong minsan hindi naman ako gusto…sa mga gusto ko na gusto rin naman ako, pero bukod sakin marami pa clang ibang gusto…dito nlng ako sa gusto ko..hihintayin ko nlng syang mapagod hangang sa maisip nya uling magpahinga sa tabi ko….siguro iniisip nyo kung bakit ako nag blog ng ganito..at iniisip nyo rin kung anung bulok na gulay nanaman ang nakain ko…simple lng naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito eh….dahil sa kahit na araw araw nya akong iniistorbo at pinag hihintay ok lng sakin yun..d ko nga alam minsan kung alam ba nyang lagi kong hinihintay yun..iniisip ko kung alam ba nya kung gaano ako kasaya pag nagkikita na kami…..ewn ko kung alam din nya kung gaano ko cya laging iniisip…basta lalapit lng sya sakin tapos sasabihin nya na “tara pasyal pasyal tyo”at yun na ang pinaka masayang parte ng buong araw ko…..

kaya ikaw oo kinakausap nanaman kita…kung sa tingin mo nakakain nga ako ng bulok na gulay…at lahat ng ito ay dahil lng dun…masarap plang kumain ng bulok na gulay….cge mag comment ka lng…kahit ano…importante may nasabi ka….hangang sa susunod na episode ah…basa ka ulit….

Bookmark and Share

ISTORYA NG PUTA

Posted on September 28, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

Nabasa ko lang po ito kanina nagandahan ako ewan ko lang po sa inyo….

salamat nlng po dun sa mga magaaksaya ng panahon at pakiiwan nlng po ung mga comments nyo..!

salamat!

Note from Faye: nakita ko lang po ito share ko lang sa inyo mga kabobo..

Whoever wrote this brilliant piece should be commended. Save for some
"brutal" terms (which I think is just necessary), this one is worthwhile
to read…..

ISTORYA NG PUTA…
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa
aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga
alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag
lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila
taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang
namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong
nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi
akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod
niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya
ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya
lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga
lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko
napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason
na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga
anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na
kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na
lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para
ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang
buhay namin. Ayun, mga nasa
Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe.
‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya
daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin,
siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman
na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating
ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap
dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay
mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin
na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa
mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga.
Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta
at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa
dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman
kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta
maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.
May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang
magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga
ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano
na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako

balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante
kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga
anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing
titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang
bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha
ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang
mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.
Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako
kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto
magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero
walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.
Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.
Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.
Gusto kong isigaw:

"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha,
pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Bookmark and Share

some good things never last

Posted on September 22, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

woi!!! eto nanaman ako…..

matagaltagal narin akong hindi nakapag blog….

tignan natin ang mga dahilan…

walang oras? walang inspirasyon? o nawalan lang cguro ako ng pakielam sa mga nangyayari sa mundo…

cguro lahat ng nabangit.

walang oras kasi sobrang dami ng mga ginagawa ko sa office, walang inspirasyon kasi wala naman akong pwedeng maging ispirasyon sa ngayon. walang pakielam kasi gaya nga ng nabangit ko sa mga nakaraan kong blog eh nagsasawa na akong makialam.

wala rin naman kasing kwenta.

ano nga ba ang isusulat ko ngayon??

oo nga pala ung title..

some good things never last.

oo totoo yan.

yan ang natutunan ko ng mga nagdaang buwan.

totoong may mga magagandang mga bagay na hindi nagtatagal at hindi narin pwedeng ibalik pang muli.

akala ko noon simpleng pagbalik at pag-sunod lang ang solusyon sa lahat ng mga masasamang nayari..

pero hindi pala. masyado ng malaki ang ang mga hinanakit ng mga taong totoong naapektohan at masyado ng marami ang gustong makielam. kaya sobrang hirap na ang makabalik.

himdi na pwede ung katulad bati na isang sorry lang eh ok na..

akala ko noon yung mga iniwan kong mga bagay ay makikita ko parin sa mga lugar na iniwan ko.pero hindi na pla..

pero baka akalain nyo bigla nlang akong sumuko. sinubukan ko parin ng mga ilang ulit pero hindi na talaga pwede.

ang mga dating kasamahan ay hindi na nakekealam at ang mga dating kaibigan ay iba na ang mga kaibigan…nakakalunkot naman

pero ang maganda sa mga nanyari eh may mga tumayo at nag puno sa mga naging kakulangan.

ang dating mga bata ay nagsipagtanda at handa ng hawakan ang mga naiwanan ng mga taong napagod at nagsawa.ang problema nga lang ay ung iba sobrang lumaki ang ulo dahil sa kasikatang kanilang tinatamasa.meron din namang iba na ipinilit ang sarili sa mga bagay na walang umankin pero sino nga naman ang tatayo kung hindi sila…

sa pag iisip at pag tatago ko sa mundong aking ginawa ay napag isip-isip ko na tama nga naman sila siguro nga meron din ako diperensya kaya napag isip isip kong lumabas na at muling balikan ang aking mundong pilit tinatakbuhan.

pero ng akoy muling bumalik hindi na ito kagaya ng dati.hindi na ganon kadaling bumalik.marami na ang nagbago……..

kaya minabuti ko nalang na walang maging partisipasyon sa mga pag-babagong nagaganap at magaganap pa lamang, siguro masya na akong maging tigapanood hadang silay umuunlad at bumabagsak.

ang katapusan…..

kaya ikaw oo kinakausap nanaman kita ikaw na nagbabasa at nag aaksaya ng panahon sa mga sinulat kong sa tingin ng iba ay walang kakwentakwenta.kung ikaw ba ang nasa katayuan ko babalik ka pa ba? kahit nararam mo na hindi kana roon nababagay. o aalis karin na parang isang talunan at manonood sa malayo hadang ang mundo yon ay sumasayaw sa saliw ng musikang kumportable lamang sa kanila.?

Bookmark and Share

Everyday journey

Posted on June 27, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

Nadito ako ngayon sa star bucks sa binondo. Nag kakape …

Kagabi natulog ako sa Murphy.
Past the infatuation phase
Mamaya hindi ko alam.oo tama ang nabasa mo hindi ko talaga alam kung saan ako matutulog.

Hindi pa kasi tapos yung bahay namin.
Tapos sobrang layo ng inupahan kong bahay.tapos meron pa akong isang ng mga kabataan na tinuturuan.Bakit ko sila tiuturuan??Meron ng nagtanong saakin nyan.Ang sagot ko naman ay simple lang.

Para magkaroon ng kabuluhan ang pag tambay nila. para meron silang pagkakitaan,para kahit papano mabawasan ang mga nambabakla.para kahit papano magkaroon sila ng pangarap.

Pangarap na pag natupad nila ay maaaring makapagpaahon sa kanila sa putikang kanilang kinasasadlakan.

Pero sana hindi lang yun ang pwede kong gawin para sa kanila.

Sana dumating ang panahon hindi lang pangarap ang maaari kong ibahagi sa kanila.

Noon isa rin ako sa mga katulad nila. isa rin ako sa milyun milyong kabataang tumatambay dahil sa kawalan ng interes na mag-aral isa rin ako sa kanila na nawalan ng pag-asa sa mundo.Akala ko noon habang buhay na akong mamamalagi sa panaginip na iyon.
Pero ginising ako ng isang trahedya. Isang trahedyang nagmulat saakin na gamitin muli ang aking mga putensial.Isang trahedyangb nagsasabing hindi ako bibigyan ng pag-asa ng mundo kung ako mismo sa sarili ko ay nawalan na ng pag-asa.

Kaya heto ako ngayon NAGPAPAKAMATAY PARA MABUHAY…….

Hindi lang puros pag tuturo ng sayaw.

Bookmark and Share

SUNSHHINE IN MY WINDOW

Posted on May 31, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

My shattered dreams and broken heart
Are mending on the shelf
I saw you holding hands
Standing close to someone else
Now I sit all alone
Wishing all my feelings was gone
I gave my best to you
Nothing for me to do
But have one last cry

_______________________________________________________

kakala nyo ba sa kanta lang nayayari ang mga bagay na nakalagay sa taas??

kung yan ang akala nyo pwes nagkakamali kayo.nung isang araw naramdaman ko lahat yang mga yan sa loob ng isang buong araw.nakita ko sya kasama ung bago nya.(kung hindi nyo na gets kung cno ung tinutukoy ko hintaying nyo nlng ung karugtong nitong blog na to.)akala ko naka move-on na ako pero sa isang iglap nalaman kong hindi pa pala.naririto parin ang sakit ng makita sya kasama ay iba.nririto parin ang pag nanais na sana ako ang kasama nya. kahit ano pa ang mga nangyari sana hinayaan ko nlng ang kanyang nagawang pagkakamali.kung ginawa  ko yon sana kami parin ang mag kasama hangang gnayon, sana kamay ko ang kanyang hawak,sana ako ang kasama nya sa saya at lumbay.pero hindi na talaga pwede ang ganun.dahil tapos na ang kabanata ng aming pagsasama.tapos na lahat ng saya tapos na lahat ng ligaya.pero pagnakikita ko sya naririto parin ang sakit.

kaya hihintayin ko nalang na dumating ang araw na nakalimutan ko na laht tunkol sa kanya.

and untill then I’m gonna dry my eyes
Right after I had my
One last cry.

Bookmark and Share

the art of letting go

Posted on May 7, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

sa paglipas ng mga lingo nasanay narin akong mabuhay sa bago kong kapaligiran.

siguro nga hindi talaga ito bago pero hindi na ito ang nakasanayan ko sa loob ng limang taong pamamalagi ko sa isang tahanang akala ko ay parte ako.sa isang tahanang akala ko doon ko makikita ang pamilya na matagal ko ng inaasam.

pero nagising ako sa katotohanang meron nga pala akong tunay na pamilya.ang pamilyang hindi nakekealam sa lahat ng mga bagay na gawin ko at laging wala pag kailangan ko sila.siguro nga si lord ang maykagagawan upang magising ako sa matagal ko nang pagkakatulog.pinakita nya sakin na oras na para magising sa katotohanan.isang napakasakit na katotohanan, na ang lahat ng mga inakala kong totoo ay isang panaginip lang.isang napakagandang panaginip.pero sabi nga nila sobrang masakit ang katotohan.mahirap bumitaw sa isang bagay na alam mong kumportable ka at masaya ka.pero hindi matatapos ang mga laban mo sa buhay kung aalis ka lang at mananatili sa loob ng isang maganda at napakasayang panaginip.mahirap kalimutan ang mga bagay na lagi mo ng ginagawa.mga tao na naging kaibigan mo.basta sobrang hirap!. kaya ikaw oo ikaw kinakausap kita.!!!lalam mo ba kung ano yang tinatamasa mo ngayon?? yan na ang iyong realidad o yan ang iyong napakagandang panaginip.kung yan ang iyong realidad.?ang masasabi ko lang sayo, mapalad ka dahil yan ang katotohana.at kung yan naman ang iyong panaginip ngayon palang gumising kana!!!dahil mas masakit pag sobrang nasanay kana.

Bookmark and Share

tapos na ang boxing

Posted on March 25, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

3:54 ng hapon katatapos ko lng mag laba nandito ako ngayon sa compuetr shop. siguro nagtataka kyo kung bakit tapos na ang boxing ang title ng nitong blog na ito. basahin nyo nlng kung bakit.

marami-rami narin ang nanyari simula ng huli kong blog.maraming nagsabi sakin nang mga kung ano-anong kagaguhan.maraming nagsabi ng mga magagandang bagay at mas marami ang nagsabi ng masasama.marami ang nanakit at marami rin ang nagpasaya.kagabi nakita ko lahat ng mga gamit ko na merong mahahalagang alaala.naalala ko lahat ng mga masasakit at msasayang bagay na kasama ng mga gamit kong yun.mag mula sa letrato hangang sa t-shirt.naisip ko lng hangang kailan ko sila maaalala.hangang kailan ako malulunkot sa tuwing tinitignan ko ang mga bagay na iyon?at higit sa lahat hangang kailan ko sila ma mimiss??habang tinitignan ko ang mga gamit na iyon pumasok sa isip ko kung hangang kailan.at sa loob ng mahabang panahon na pag takbo ko sa kanya kinausap nya ako ulit.sinabi nya na kalimutan ko na ang mga bagay at taong nakasakit sa akin.kaya sa unang pagkakataon sinunod ko siya ng walang pag aalinlangan.tumayo ako lumabas ng bahay at sinunog ko lahat ng mga gamit na nag papaalala sa akin ng mga masasama at masasayang nanyari sa akin sa loob ng limang taon.sinunog ko lahat at kasama dun ang mga alaala lahat ng alaala.pero kahit nagawa ko na yun.hindi ko na sila makakalimutan.silang lahat na tumangap at nagmahal sa akin hindi dahil sa kahit na anong dahilan.minahal lang nila ako gaya ng pag mamahal sa kanila ng panginoon.salamat sa inyong lahat.salamat sa mga umunawa at pati narin dun sa mga hindi nakaunawa.hinding hindi ko kayo makakalimutan.

tapos na ang boxing dahil ayoko na.alam kong hindi hihinto ang buong mundo pag tumigil ako pero alam kong magiging masaya ako sa naging disisyon ko.hindi ko ito tinapos dahil masakit na ang katawan ko sa mga tinamo ko.tinapos ko ito dahil ayaw ko na.pagod na ako sumuntok sa hangin pagod na akong makipag laban.sa mga taong naapektohan ko dati.ituloy nyo lng ang mga laban nyo.at pag napagod kayo hindi naman masamang mag pahinga.pero sana maging matagumpay kayo.hindi gaya ko na napagod na lang sa sistema.

tapos na ang boxing at sa unang pagkakataon natalo ako dahil ayoko na.

Bookmark and Share

ito ba nag nanyayari sa buhay mo ngayon??

Posted on March 18, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

[Refrain]
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

[Chorus]
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

Di matatapos itong gulo

Bookmark and Share

Pag gunita sa isang taong hindi na mawawala

Posted on March 4, 2007 by black9-sath.
Categories: Uncategorized.

Pano ko nga ba makakalimutan si bem-bem?

isa si bem sa mga batang unang nakinig sa mga walang kakwenta kwenta kong mga joke’s mga kwentong barbero na nakaka uka na.

naaalala ko pa yung una naming pagkakakilala namin ni bem.

isa palang akong tambay sa isang computer shop noon.lagi ko syang kakampi sa battke relms nun,at kahit na sugod sya ng sugod ng hindi nag-iisip sa awa naman ng dyos eh nananalo naman kami.

sa kasamaang palad namatay na si bem-bem.

nung nasa lamay ako marami akong narinig na mga taong naguusap at sinasadi nila na sayang daw at sobrang bata pa nya ng mawala.sinasabi nila na sana hindi daw muna sya sumuko.

ako sa tingin ko hindi sumuko si bem-bem.kaya lng sya bumitaw ay dahil ayaw nyang makita ang mga mahal nya sa buhay na nahihirapan ng dahil sa sakit nya.ayaw ng makitang tumutulo ang luha ng mga taong gusto nya protektahan at alagaan.

Saludo ako sa tapang nyang tangapin na himdi na niya nakakasama ang mga taong mahal na mahal nya.Saludo ako dahil kahit sa huli sya parin ang nasunod.

hindi ako mag papaalam kay bem-bem.

dahil hindi na sya mawawala sa aking puso’t isipan.

kaya bem!! wag kang mag alala dahil gagawin namin ang lahar para ituloy ang mga bagay na iyong sinimulan.salamat sa mga magagandang alaala na iyong iniwan sa akin.at sa muli maraming maraming salamat

Bookmark and Share